
Kasalukuyang nagbabakasyon sa Italy ang aktres na si Jodi Sta. Maria.
Ilang travel photos ni Jodi ang kanya mismong ibinahagi sa kanyang Instagram account.
Kakabit ng kanyang Instagram post ay ang agaw-pansinga message ni Sparkle star Gabbi Garcia sa comment section.
Mababasa sa comment ni Gabbi, “Miss you! Safe travels Ate Jods [heart emoji].”
Sagot naman ni Jodi, “@gabbi Miss you too Gabriella [heart emojis].”
Hindi maikakaila na may malalim na samahan na ngayon sina Gabbi at Jodi.
Kamakailan lang, natunghayan ang makapigil-hiningang finale ng biggest collaboration series ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart.
Kabilang sina Gabbi at Jodi sa star-studded cast at lead stars ng successful series.
Bukod sa dalawang aktres, parte rin nito ang Kapuso Chinito actor na si Richard Yap at Kapamilya actor na si Joshua Garcia.