'Unbreak My Heart' team, nagdaos ng thanksgiving party

Sa loob ng halos labing isang buwan, kapansin-pansin na nabuo ang malalim na samahan ng 'Unbreak My Heart' cast, production team, at ilang executives ng GMA, ABS-CBN, at Viu para sa naturang collaboration series.
Nang matapos na ang kanilang tapings, idinaos ang isang engrandeng thanksgiving party para sa lahat ng naging parte ng serye.
Present sa party ang ilan sa lead stars, gaya na lamang nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, at Richard Yap.
Silipin ang memorable bonding at kulitan moments ng cast at lahat ng bumubuo ng 'Unbreak My Heart' sa gallery na ito.
















