GMA Logo Underage
What's on TV

'Underage,' patuloy na humahataw sa ratings!

Published April 25, 2023 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ahtisa Manalo shares other headshot options for Miss Universe 2025
#WilmaPH spotted over waters of Can-avid, Eastern Samar
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Underage


Nakakuha ng matataas na TV ratings ang ilang matitinding episodes ng 'Underage' noong nakaraang linggo.

Patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang bawat eksena sa coming-of-age drama series na Underage, na pinagbibidahan nina Sparkle actresses Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.

Sa katunayan, nakapagtala ng matataas na TV ratings ang ilang episodes ng nasabing programa noong nakaraang linggo. Ayon sa NUTAM People Ratings, nakapagtala ang 67th episode ng Underage ng 7.0 percent ratings habang ang 68th episode naman ay nakakuha 7.7 percent ratings.

Sa 67th episode ng Underage, na ipinalabas noong April 20, nagpatawag si Darla ng mga pulis upang mailipat si Celine sa totoong kulungan ngunit agad na napigilan ito nang dumating ang mga magulang ng dalaga na sina Lena at Dominic kasama ang kanilang abogado sa juvenile center.

Bago pa man ito, matatandaan na gumawa ng paraan si Velda para tuluyan nang mailipat si Celine sa tunay na kulungan at kinailangan niya ang tulong ni Darla.

Napanood din dito na muling nagkaroon na ng malay si Tope matapos ang sinapit niyang pamamaril. Nalaman naman ni Carrie na mayroong tao na gustong pumatay kay Tope matapos niyang makaharap ang isang lalaking may hawak na baril sa loob ng kuwarto ng binata sa ospital.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, hindi nagawang aminin ni Tope kina Lena, Chynna, Carrie, at Dominic ang nalalaman niya tungkol sa krimen na ibinibintang kay Celine.


Nang muling tanungin ni Chynna ang binata tungkol dito, biglang umalis ang binata sa kanyang kuwarto at tumakbo sa itaas ng ospital. Hindi na rin kinaya ng konsensya ni Tope ang kamalian niya kaya tuluyan na niyang inamin ang pagpatay kay Leo Guerrero.

Patuloy na subaybayan ang mga tumitinding eksena sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime, Kapuso Stream, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Maaaring i-stream ang full episodes ng Underage at ng iba pang GMA shows sa GMANetwork.com o GMA Network App.

KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.