
Talagang kaabang-abang kung ano ang mangyayari sa Serrano sisters sa huling linggo ng coming-of-age drama series na Underage, na pinagbibidahan nina Sparkle stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.
Noong nakaraang linggo, matatandaan na muli nang magkakasama ang Serrano sisters na sina Celine, Chynna, at Carrie ngunit patuloy pa rin ang mga pagsubok na kinakaharap ng kanilang pamilya dahil sa paghihiganti ni Velda.
Sa katunayan, napasakamay ni Velda sina Chynna at Celine dahil sa tulong ni Becca. Patuloy naman ang pang-aabuso ni Velda sa magkapatid habang sila'y malayo sa kanilang pamilya.
Makakatakas kaya sina Celine at Chynna mula kay Velda? Matatapos na rin kaya ang pagsubok ng Serrano sisters?
Huwag palampasin ang huling linggo ng Underage, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime, Kapuso Stream, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
Maaari ring i-stream ang Underage at ang iba pang GMA shows sa GMANetwork.com o GMA Network App.
SAMANTALA, KILALANIN ANG STELLAR CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.