
Isang mahalagang aral ang natutunan ni Sparkle actress Elijah Alejo mula sa kanyang karakter na si Chynna Serrano sa GMA Afternoon Prime series na Underage. Kasalukuyang napapanood ang aktres sa nasabing serye kasama sina Lexi Gonzales at Hailey Mendes.
Ayon kay Elijah, ang pinakatumatak na aral na natutunan niya ay ang pakikinig sa mga magulang.
“Makinig ka talaga sa sinasabi ng parents mo kasi mas may alam sila sa'yo. Oo, You're at an age where you want to experience new things, where you want to explore pero huwag mong ilagay 'yung sarili mo sa ikakapahamak mo. Don't put yourself in danger just to explore things,” pagbabahagi niya sa interview ng GMANetwork.com.
Natutunan din ng Kapuso teen star mula sa kanyang pinagbibidahang serye ang tamang paggamit ng social media.
Aniya, "[Use] social media responsibly. Think before you click, bago ka mag-post, bago gagawa ng kahit ano sa social media. Bago ako mag-comment, whether it's for school, for my showbiz life, or for my personal life, kailangan ko talagang pag-isipan.”
Bukod dito, looking forward din si Elijah na makatrabaho muli ang kanyang onscreen sisters na sina Lexi at Hailey sa iba pang proyekto tulad ng action at comedy.
“Try naman namin 'yung mga action siguro or comedy, 'yung mga light series naman para tignan namin kung 'yung chemistry din namin sa ibang genre is gano'n pa rin,” ani Elijah.
Subaybayan ang huling linggo ng Underage, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime, Kapuso Stream, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
Maaari ring i-stream ang Underage at ang iba pang GMA shows sa GMANetwork.com o GMA Network App.
SAMANTALA, TIGNAN ANG STUNNING LOOKS NI ELIJAH ALEJO SA GALLERY NA ITO.