KILALANIN: Ang mga bida sa 'Underage'

Napapanood na tuwing hapon ang modern-day coming of age series na 'Underage' sa GMA Afternoon Prime.
Ito ay pinagbibidahan ng tatlong mahuhusay na Sparkle actresses na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.
Ang 'Underage' ay tungkol sa tatlong magkakapatid na sina Celine (Lexi Gonzales), Chynna (Elijah Alejo), at Carrie (Hailey Mendes), na maagang haharapin ang mga hamon sa buhay mula nang sila ay mag-viral online dahil sa isang malisyosong video na kanilang kinasangkutan.
Nang dahil sa social media, masisira kaya ang samahan ng Serrano sisters?
Kabilang sa stellar cast ng serye sina Kapuso actors Gil Cuerva, Nikki Co, at Vince Crisostomo.
Napapanood din dito ang mga batikang aktor na sina Sunshine Cruz at Snooky Serna, Jean Saburit, Yayo Aguila, Christian Vasquez, at Jome Silayan.
May espesyal na partisipasyon naman sa serye ang actor-comedian na si Smokey Manaloto.
Kilalanin ang buong stellar cast ng 'Underage' sa gallery na ito.













