#RedFlag: Ang pangga-gaslight ni Leo kay Chynna sa 'Underage'

GMA Logo Elijah Alejo, Nikki Co

Photo Inside Page


Photos

Elijah Alejo, Nikki Co



Iba't ibang matitindi at emosyonal na mga eksena ang mapapanood sa afternoon drama series na Underage, na patuloy na sinusubaybayan ng viewers sa telebisyon at online.

Katunayan, umani ng mahigit four million views ang eksena sa pagitan ng mga karakter nina Kapuso stars Elijah Alejo at Nikki Co, na sina Chynna Serrano at Leo Guerrero, sa ikapitong episode ng serye sa official Facebook page ng GMA Drama.

Matatandaan sa episode na umere noong January 24 na nakipagkita si Chynna kay Leo upang damayan siya sa kanyang malungkot na pinagdaraanan, ngunit mayroon palang ibang binabalak ang binata sa una.

Habang nasa isang tahimik na lugar ay pinilit ni Leo ang kanyang sarili kay Chynna at pisikal na inabuso pa ang dalaga para lamang makuha ang kanyang gusto.

Matapos ang pananamantala ng binata sa dalaga, tumawag si Leo kay Chynna at sinabi na nagawa lamang nila iyon dahil sa pagmamahal sa isa't isa.

Bukod dito, gumawa pa ng paraan si Leo para kumbinsihin si Chynna na huwag sasabihin kahit kanino ang nangyari sa kanilang dalawa.

Maraming netizens naman ang nanggigil sa ginawang pangga-gaslight ni Leo kay Chynna at ibinahagi ng netizens ang kanilang mga saloobin sa comments.

Balikan ang nakakagigil na pangga-gaslight ni Leo kay Chynna sa 'Underage' sa gallery na ito.


Chynna Serrano
Trauma
Haunting memories
Hurt
The call
Leo
Leo, the gaslighter
Gaslighting
Promise
The favor 
Call dropped
Ang kasamaan ni Leo 
Four million views and counting 

Around GMA

Around GMA

47-anyos na lalaki, handang humalili sa 65-anyos na si Ruben Enaje bilang ‘Kristo’ ng San Pedro Cutud
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon
Farm To Table: Ano'ng food trip mo this summer?