Underage: Si Dominic ang tunay na ama ni Celine!

GMA Logo Christian Vasquez

Photo Inside Page


Photos

Christian Vasquez



Isang rebelasyon ang nalaman noong nakaraang linggo sa GMA Afternoon drama series na 'Underage.'

Sa 53rd episode ng nasabing coming-of age series, na ipinalabas noong March 29, muling nagharap ang dating magkasintahan na sina Lena (Sunshine Cruz) at Dominic (Christian Vasquez) sa ospital.

Bago ito, matatandaan na nalaman ni Dominic mula kina Velda at Lance na ang pangalan ng nanay ni Celine ay Lena. Nang dahil dito, pumunta si Dominic sa ospital upang malaman kung sino ang Lena na tinutukoy ng kaniyang asawa at stepson.

Dumami naman ang katanungan sa isipan ni Dominic matapos malaman na ang dati niyang kasintahang si Lena ang siya palang ina ni Celine. Nang dahil dito, nagpatulong si Dominic sa isang private investigator upang malaman kung si Celine nga ba ang tunay niyang anak kay Lena.

Sa paghaharap nina Dominic at Lena, inamin ng huli sa kaniyang dating nobyo na si Celine ang kanilang anak.

Samantala, nakapagtala pa ng 7.1 percent ratings ang naturang episode ng programang pinagbibidahan nina Sparkle stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes, ayon sa National Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings.


DominicĀ 
Flashback
Lena
Meeting
Celine
Document
Investigation
Proof
The truth
RatingsĀ 

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025