GMA Logo Lexi Gonzales
PHOTO COURTESY: lalexigonzales (IG)
What's on TV

Lexi Gonzales, itinuturing na big break ang role sa 'Underage'

By Dianne Mariano
Published January 15, 2023 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales


Mapapanood si Sparkle actress Lexi Gonzales bilang Celine Serrano sa upcoming GMA Afternoon Prime series na 'Underage.'

Simula January 16, mapapanood na ang modern-day coming of age series na Underage sa GMA Afternoon Prime.

Ito ay pinagbibidahan nina Sparkle actresses Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.

Sa “Chika Minute” report ni Cata Tibayan sa 24 Oras, itinuturing ng StarStruck Season 7 First Princess na big break ang kanyang bagong role sa Underage. Sa nasabing serye, bibigyang buhay ni Lexi ang karakter bilang Celine Serrano, ang panganay sa Serrano sisters.

“Na-experience ko lahat ng hirap, saya, struggles ng character. And with that, well aminado ako mahirap po talaga but I'm also thankful kasi everyone here ay parte ng craft ko sa Underage. Lahat sila tumulong sa akin, ginabayan nila ako,” pagbabahagi niya.

PHOTO COURTESY: GMA News

Isa sa mga tatalakayin naman ng serye ay ang epekto ng social media. Nang dahil sa lawak ng impluwensya ng social media, hindi maiiwasan dito ang cyberbullying na nararanasan din ng public figures tulad ni Elijah, na gaganap bilang si Chynna Serrano.

Kilala ang teen star sa pagiging mahusay na kontrabida sa kanyang mga past projects.

Kuwento niya, “Umabot po ako sa point na ayaw ko na pong lumabas kasi sobrang nagalit po sa akin 'yung mga tao no'n. Idya-judge ka lang nila because of a certain video, of a certain photo na nakita nila and hayaan mo, just pray to God. Makipag-usap ka sa friends mo if hindi mo na kaya.”

Bukod kay Elijah, nakaranas na rin ang batikang aktres na si Sunshine Cruz, na gaganap bilang Lena Serrano, na makatanggap ng mensahe mula sa bashers.

“Parang magnet kami ng ganyan, sa totoo lang. Pero I always tell my kids to choose your battles and, at the same time, just don't get affected. Nandito ang mommy ninyo. If I need to say something, let your mom do it for you,” aniya.

Ayon naman kay Hailey, na bibigyang buhay ang role bilang Carrie Serrano, dapat ay maging responsable ang mga tao sa paggamit ng social media.

Paalala niya, “Sa social media po, hindi naman po totoo lahat ng nakikita natin kaya mas maigi po na magsuri po tayo. Kumbaga, 'wag pong maniwala kaagad, protektahan po natin ang ating sarili.”

Mapapanood ang Underage simula January 16, 4:15 p.m., sa GMA Afternoon Prime.


SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG UNDERAGE PICTORIAL SA GALLERY NA ITO.