GMA Logo Underage Title card
What's on TV

World premiere ng 'Underage,' mapapanood na mamaya!

By Dianne Mariano
Published January 16, 2023 10:42 AM PHT
Updated January 16, 2023 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Underage Title card


Sabay-sabay nating subaybayan ang world premiere ng 'Underage' mamayang 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood na mamaya ang unang pasabog sa hapon ngayong 2023, ang Underage!

Ito ay pinagbibidahan ng tatlong mahuhusay na Sparkle actresses na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.

PHOTO COURTESY: GMA DRAMA

Ang kuwento ng Underage ay tungkol sa tatlong magkakapatid na sina Celine (Lexi Gonzales), Chynna (Elijah Alejo), at Carrie (Hailey Mendes) na maagang haharapin ang mga pagsubok sa buhay mula nang sila ay mag-viral sa social media dahil sa isang malisyosong video na kanilang kinasangkutan.

Kabilang din sa star-studded cast ng serye sina Kapuso actors Gil Cuerva, Nikki Co at Vince Crisostomo.

Mapapanood din sa Underage ang mga batikang aktor na sina Sunshine Cruz at Snooky Serna, Jean Saburit, Yayo Aguila, Christian Vasquez at Jome Silayan.

May espesyal na partisipasyon naman ang actor-comedian na si Smokey Manaloto sa serye.

Huwag palampasin ang world premiere ng Underage mamayang 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Unica Hija.


Ang livestreaming ng serye ay available sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG UNDERAGE PICTORIAL SA GALLERY NA ITO.