
Pinuri ng batikang aktres na si Snooky Serna ang young lead stars ng bagong afternoon drama series na Underage dahil sa kanilang angking galing bilang mga artista.
Ang nasabing serye ay pinagbibidahan nina Sparkle stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.
Nagbabalik naman si Snooky sa modern version ng Underage bilang Velda Gatchalian, ang asawa ni Dominic Gatchalian, na binibigyang buhay ni seasoned actor Christian Vasquez.
Matatandaan na naging bahagi ang veteran star sa sikat na 1980's film na Underage na idinirehe ni Joey Gosiengfiao. Nakasama rito ng award-winning actress ang kapwa niyang veteran artists na sina Dina Bonnevie at Maricel Soriano.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Snooky, malaki ang kanyang tiwala na magiging matagumpay sina Lexi, Elijah, at Hailey sa kanilang careers bilang mga artista dahil nakikita niya ang pagpupursigi ng mga ito.
“I have faith in these three women. I believe in their talents. I know that they will go places talaga. Nakikita ko kasi 'yung determination nila to do good in their craft. Una sa lahat, they love their job, they love acting, they love what they're doing, they have discipline, they have a sense of responsibility, and also they're very humble.
“Importante 'yun na may humility sila and sense of gratitude also sa pakikitungo nila sa mga tao. Importante rin kasi 'yun, e. Hindi lang 'yung magaling kang umarte kung hindi 'yung marunong ka ring makisama. Nakaka-endear sila sa mga taong nakakasama nila,” pagbabahagi niya.
Ayon pa kay Snooky, nakikita niya kina Lexi, Elijah, and Hailey ang mga katangian para maging matagumpay sa kanilang napiling karera.
Aniya, “Para sa akin, ang mga ingredients to success is that you do your job properly, be responsible about your job, you treat people well, and you have sense of gratitude sa taas. Hindi ka nakakalimot. Ayan ang qualities na nakikita ko doon sa mga bata.
"They have a good heart, they are hard workers, and they have faith in God. They're very spiritual. They have all the ingredients to be successful in life and in their careers.”
Kuwento naman ng seasoned actress sa naganap na online media conference ng Underage, masaya ang kanyang karanasan na makatrabaho ang three lead stars dahil sa kanilang pagiging propesyonal at mapagkumbaba.
“It was really such a joy for me to work with these three beautiful young ladies kasi lahat sila ay mga matured, very level-headed, and it's so refreshing to be able to work with young people who are so humble.
"They were so kind, very understanding, very professional. I tip my hat off to them. I'm just grateful to God na ako'y nakasama sa proyektong ito,” saad niya.
Subaybayan ang Underage tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang Underage via Kapuso livestream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.