
Kumapit sa mas tumitinding mga tagpo sa coming-of-age drama series na Underage - na pinagbibidahan nina Lexi Gonzales bilang Celine, Elijah Alejo bilang Chynna, at si Hailey Mendes bilang si Carrie.
Ngayong Biyernes, March 10, magkikita na ang mag-ama na sina Rico (Jome Silayan) at Carrie nang matunton ng una ang bahay ni Lena (Sunshine Cruz).
Sa teaser na inilabas ng programa ngayong araw, hinahanap ni Rico si Lena dahil naniniwala ito na buhay ang kanilang anak. Sakto naman na wala si Lena sa bahay nang dumating ito kung kaya't si Carrie ang sumalubong sa kanya.
Nang malaman ni Rico na may anak si Lena lalo siyang nag-isip tungkol sa anak nila ng huli.
Sa kabilang banda, sa pamamalagi ni Celine sa youth detention center, muling uusigin ng kaniyang konsensiya si Tope (Vince Crisostomo) dahil sa kanyang krimen na nagawa at ngayon ay pinagdurusahan ni Celine at ng kanyang pamilya.
Umamin na kaya si Tope na siya ang mastermind sa pagkamatay ni Leo (Nikki Co)? Malaman kaya ni Rico na buhay pa ang kanyang anak kay Lena at ito ay si Carrie?
Subaybayan ang Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
Mapapanood din ang Underage via Kapuso stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.