
Nakapagtala ng mataas na TV ratings ang ilang episodes ng GMA Afternoon Prime series na Underage noong nakaraang linggo.
Nitong March 6 at March 8 ay nakakuha ng 7.0 at 6.7 percent ratings ang programang pinagbibidahan nina Sparkle actresses Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes, ayon sa NUTAM People Ratings.
Sa 36th episode ng Underage noong March 6, matatandaan na patuloy ang paghihirap na pinagdaanan ni Celine (Lexi Gonzales) sa loob ng National Establishment for Nurturing and Education for Newly Convicted Girls, o NENENG.
Ipinakita rin na inutusan ni Becca (Yayo Aguila) ang mga tauhan ni Rico (Jome Silayan) na damputin ang kanyang hipag na si Lena (Sunshine Cruz) at pagsamantalahan ito.
Samantala sa 38th episode ng nasabing serye noong March 8, nalagay sa peligro ang buhay ni Lena matapos siyang kidnapin ng tatlong lalaki dahil sa utos ni Becca.
Labis na nagulat naman si Lena nang iligtas siya ng kanyang dating nobyong si Rico mula sa mga lalaking nais siyang pagsamantalahan.
Balikan ang naturang episode sa video na ito.
Patuloy na subaybayan ang mga matitinding tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
Mapapanood din ang Underage via Kapuso stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.