
Sa ikawalong linggo ng Underage, patuloy ang paghihirap na pinagdadaanan ni Celine (Lexi Gonzales) sa loob ng National Establishment for Nurturing and Education for Newly Convicted Girls, o NENENG.
Sinabihan naman ni Becca (Yayo Aguila) ang mga tauhan ni Rico (Jome Silayan) na damputin ang hipag niyang si Lena (Sunshine Cruz) para pagsamantalahan ito.
Patuloy pa rin ang pagbisita ni Lance (Gil Cuerva) kay Celine kahit na kinamumuhian ng binata ang dalaga dahil sa nangyari sa kanyang nakababatang kapatid na si Leo. Sa pag-uusap nina Lance at Celine, ipinagtanggol ni Tope ang huli nang makita niyang iniinsulto lamang ng una ang dalaga.
Nalagay naman sa panganib ang buhay ni Lena matapos siyang kidnapin ng tatlong lalaki dahil sa utos ni Becca. Laking gulat ni Lena nang iligtas siya ng kanyang dating nobyong si Rico mula sa mga lalaking nais siyang pagsamantalahan.
Sa pag-uusap ng dating magkasintahan, nagsinungaling si Lena at sinabing matagal nang patay ang batang naging bunga ng kanilang pagsasama noon. Sinugod naman ni Becca si Lena matapos niyang makita na kasama nito ang kanyang nobyong si Rico.
Nalaman din ni Becca na naging girlfriend noon ni Rico ang kanyang sister-in-law na si Lena.
Nais naman ni Rico na muling makuha ang loob ni Lena kaya balak niyang ligawan ulit ito. Nagtungo si Rico sa tahanan ni Lena at naabutan siya ni Carrie (Hailey Mendes) sa labas ng gate.
Malalaman na kaya nina Rico at Carrie ang totoong ugnayan nila sa isa't isa?
Balikan ang mga eksena sa Underage rito.
Underage: The killer's entrenched guilt of murder (Episode 36)
Underage: Celine finally defends herself! (Episode 37)
Underage: The loving mother is in trouble! (Episode 38)
Underage: The war freak sister-in-law strikes again (Episode 39)
Underage: The rebellious daughter meets her father (Episode 40)
Tutukan ang mga matitinding tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
Mapapanood din ang Underage via Kapuso stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.