GMA Logo Lexi Gonzales, Elijah Alejo, Hailey Mendes, Sunshine Cruz, Snooky Serna in Underage
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's on TV

'Underage,' patuloy na namamayagpag sa TV ratings!

By Dianne Mariano
Published March 27, 2023 6:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales, Elijah Alejo, Hailey Mendes, Sunshine Cruz, Snooky Serna in Underage


Nakapagtala ng mataas na TV ratings ang 49th episode ng 'Underage' na ipinalabas noong Huwebes, March 23.

Umani ng mataas na TV ratings ang mga tumitinding tagpo sa coming-of-age drama series na Underage.

Noong Huwebes, March 23, nakapagtala ng 7.0 percent ratings ang 49th episode ng programang pinagbibidahan nina Sparkle stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes, ayon sa National Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings.Link:

Sa naturang episode, napanood na nawawalan na ng pag-asa si Lena (Sunshine Cruz) na makabangon sa mga hamong kinakaharap ng kaniyang pamilya dahil tila isa-isa nang nawawala sa kaniyang piling ang mga anak niya.

Bago pa man ito, matatandaan na mas pinili ni Carrie (Hailey Mendes) na sumama sa kaniyang ama na si Rico (Jome Silayan) kaysa sa nanay at mga kapatid niya.

Nang makarating sa kaniyang bagong tahanan, ipinakita rin ni Carrie na hindi na siya natatakot sa mapang-abuso niyang tiyahin na si Becca (Yayo Aguila).

Samantala, binisita ni Velda (Snooky Serna) si Celine (Lexi Gonzales) sa juvenile center para muling turuan ito ng leksyon. Sa paghaharap nina Velda at Celine, nagdala ang una ng cake para sa huli at isinubsob ang mukha ng dalaga rito.

Balikan ang 49th episode ng Underage sa video na ito.


Subaybayan ang mga matitinding tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Mapapanood din ang Underage via Kapuso Stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES NG UNDERAGE PICTORIAL SA GALLERY NA ITO.