GMA Logo Hailey Mendes, Yayo Aguila
What's on TV

Pagiging palaban ni Carrie sa 'Underage,' patok sa viewers at umani ng million views online!

By Dianne Mariano
Published March 28, 2023 7:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal Tagle visits the UAE for Simbang Gabi
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Hailey Mendes, Yayo Aguila


Noong nakaraang linggo, ipinakita ni Carrie ang kaniyang pagiging palaban sa mapang-abuso niyang tiyahin na si Becca.

Patuloy na tinututukan ng mga manonood ang mga tumitinding tagpo sa drama series na Underage sa telebisyon at social media.

Sa katunayan, umani ng milyon-milyong views sa official Facebook page ng GMA Drama ang mga eksena sa pagitan ng mga karakter nina Sparkle actress Hailey Mendes at seasoned star Yayo Aguila na sina Carrie at Becca Serrano.

PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)

Matatandaang sa 49th at 50th episodes ng Underage na ipinalabas noong March 23 at 24, ipinakita ni Carrie ang kaniyang pagiging palaban at hindi na natatakot sa mapang-abuso niyang tiyahin na si Becca dahil tunay na anak siya ni Rico (Jome Silayan), ang nobyo ng huli.

Tinawag pa ni Carrie na “disposable jowa” ang kaniyang tiyahin.

Sa isa pang pag-uusap nina Carrie at Becca, sinabi rin ng dalaga na hindi na siya ang dating inaapi-api lamang ng huli.

Bukod sa million views online, naaliw din ang netizens sa pagiging palaban ni Carrie.

PHOTO COURTESY: GMA DRAMA (FB)


Subaybayan ang mga matitinding tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Mapapanood din ang Underage via Kapuso Stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.