GMA Logo Sunshine Cruz, Elijah Alejo
What's on TV

Underage: Ang mga tumitinding pagsubok ng pamilya Serrano

By Dianne Mariano
Published March 30, 2023 4:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Cruz, Elijah Alejo


Tumitindi na ang mga pagsubok na kinakaharap ng pamilya Serrano sa 'Underage.'

Sa ikasampung linggo ng Underage, pinuntahan ni Carrie ang kaniyang tiyahin na si Becca sa isang mall dahil sa kagustuhan niyang makilala ang tunay na amang si Rico at nalaman ito ng ina ng dalaga na si Lena.

Nang makauwi sina Lena at Carrie sa kanilang tahanan, inilahad ng una sa kaniyang anak na ilegal ang negosyo ng ama nito dahil nagbebenta ito ng mga underage na babae online. Ipinaalam naman ni Tope kay Celine na nakilala na ni Carrie ang kaniyang tunay na ama.

Nagmakaawa naman si Chynna sa kaniyang nakatatandang kapatid na si Carrie na huwag silang iiwan nito ng kanilang ina.

Labis na nagulat si Lena nang nakapagdesisyon na si Carrie na tuluyan nang sumama sa totoong ama nito na si Rico. Nagmakaawa naman si Lena kay Carrie na huwag silang iwanan nito ngunit pinili pa rin ng dalaga na sumama sa kaniyang tatay.

Samantala, nang pumunta si Dominic sa juvenile center ay hindi niya inaasahan na si Celine ang suspek sa pagpatay sa step son niyang si Leo.

Nawawalan naman ng pag-asa si Lena na makabangon sa mga pagsubok na kinakaharap ng kaniyang pamilya dahil tila isa-isa nang nawawala sa kaniyang piling ang mga anak niya.

Nang makarating sa tahanan ng kaniyang ama, ipinakita ni Carrie ang kaniyang pagiging palaban at hindi na natatakot sa mapang-abuso niyang tiyahin na si Becca bilang tunay na anak siya ni Rico, ang nobyo ng huli.

Sa pag-uusap nina Carrie at Becca, sinabi ng dalaga na hindi na siya ang dating inaapi-api lamang ng huli.

Binisita naman ni Velda si Celine sa juvenile center upang muling turuan ang dalaga ng leksyon. Sa paghaharap nina Velda at Celine, nagdala ang una ng cake para sa huli at isinubsob ang mukha ng dalaga rito.

Matapos ang matagal na panahon, nagawa nang bisitahin ni Lena ang kaniyang panganay na anak na si Celine sa juvenile center. Sa muling pagkikita ng mag-ina, sinabi ni Lena kay Celine na huwag nitong haharapin ang asawa ni Velda na si Dominic.

Subaybayan ang mga tumitinding tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Balikan ang mga nakaraang tagpo sa Underage rito.


Underage: A fight for Carrie's custody (Episode 46)

Underage: Chynna begs her sister to stay (Episode 47)

Underage: The rebellious daughter chooses her father (Episode 48)

Underage: The rebellious daughter fights back against her evil auntie (Episode 49)

Underage: Lena pays a visit to her neglected daughter (Episode 50)

Mapapanood din ang Underage via Kapuso stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.