GMA Logo underage
What's on TV

Underage: Dominic, nadiskubreng si Celine ang tunay niyang anak

Published April 3, 2023 5:47 PM PHT
Updated April 3, 2023 5:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Indian family of alleged Bondi gunman didn't know of 'radical mindset', Indian police say
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

underage


Nalaman na ni Dominic (Christian Vasquez) na si Celine (Lexi Gonzales) ay ang anak niya sa dating kasintahan na si Lena (Sunshine Cruz).

Sa ikalabing-isang linggo ng Underage, nalagay sa peligro ang buhay ni Celine matapos siyang masaksak ng kasamahan niya sa juvenile center na si Meggy dahil sa utos ng tauhan ni Velda na pahirapan ang dalaga sa loob ng center.

Agad na pumunta si Lena sa ospital matapos malaman na napahamak ang kaniyang panganay na anak. Nang malaman ni Lena na si Velda ang rason kung bakit nasa ospital ang kaniyang anak, agad siyang pumunta sa pamamahay nito.

Sinabi ni Lena sa harap nina Velda at anak nitong si Lance na ang ina ng binata ay ang taong nag-uutos para pahirapan si Celine sa juvenile center.

Samantala, nakumpirma ni Carrie na tama ang kaniyang nanay dahil nalaman na niyang illegal ang negosyo ng ama niyang si Rico.

Dumami naman ang mga katanungan sa isip ni Dominic nang malaman na si Lena, ang kaniyang dating nobya, ay ang nanay ni Celine. Sa muling paghaharap nina Lena at Dominic, inamin na ng una sa dati niyang kasintahan na si Celine ang kaniyang anak.

Matapos ang rebelasyong ito, sinisisi ni Dominic ang kaniyang sarili kung bakit napunta ang anak niyang si Celine sa sitwasyon nito ngayon.

Binisita naman ni Dominic si Celine sa kuwarto nito sa ospital. Lingid sa kaalaman niya na sinundan pala siya ng asawang si Velda at nakitang hawak ng una ang kamay ng dalaga. Hindi maintindihan ni Velda kung bakit tinutulungan ng kaniyang asawa si Celine.

Inamin na rin ni Dominic sa kaniyang nanay na si Ylvira na si Celine ang anak nila ni Lena.

Samantala, ni-record ni Tope ang kaniyang pag-amin na siya ang tunay na pumatay kay Leo at iniwan ang recorder sa bahay ng mga Serrano at si Becca ang nakakuha nito.

Abangan ang mga tumitinding tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Balikan ang mga nakaraang episodes ng Underage rito.

Underage: Blood runs from the innocent inmate (Episode 51)

Underage: The rebellious daughter discovers her father's dirty secret (Episode 52)

Underage: The identity of Celine's father is revealed (Episode 53)

Underage: The estranged father's regrets (Episode 54)

Underage: The estranged father chooses between career and family (Episode 55)

Mapapanood din ang Underage via Kapuso Stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO: