What's on TV

Therese Malvar at Kych Minemoto, tampok sa 'Unica Hija'

By Jansen Ramos
Published November 7, 2022 1:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 19, 2025
Davao City expands incentives to attract more investors
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

therese malvar and kych minemoto in unica hija


Magsisimula ang pagpapalabas ng GMA Afternoon Prime na 'Unica Hja' ngayong Lunes, November 7, pagkatapos ng 'Abot-Kamay Na Pangarap' sa GMA.

Kaabang-abang ang pagganap ng award-winning actress na si Therese Malvar at rising star na si Kych Minemoto sa bagong Kapuso afternoon drama na Unica Hija na ipapalabas na ngayong Lunes, November 7.

Sina Therese at Kych ang gaganap sa mga batang karakter nina Maybelyn Dela Cruz at Mark Herras na nagngangalang Cara at Zach.

Bagamat sandali lamang mapapanood sa Unica Hija, malaki ang parte ng kanilang roles na may kinalaman sa kahihinatnan ng bidang si Bianca, na bibigyang buhay ni Kate Valdez.

Sa countdown teaser ng Unica Hija na inilabas ngayong araw, mapapanood na magkakaibigan sina Bianca, Cara, at Zach na masasangkot sa isang love triangle.

Si Zach ay in love kay Bianca, na ikagagalit ni Cara. Mababalot ng inggit si Cara.

Kapansin-pansin ang husay sa pag-arte ni Therese bilang kontrabida. Samantala, ipinamalas naman ni Kych ang kanyang pagiging dramatic actor.

Ang Unica Hija ang unang teleserye ni Therese matapos ang GMA afternoon drama na Little Princess. Bago ito, bumida rin siya sa pelikulang Broken Blooms na nanalo ng iba't ibang parangal sa ibang bansa. Mapapanood din siya sa 10th QCinema International Film Festival short film na Ang Pagliligtas sa Dalagang Bukid ngayong Nobyembre at sa forthcoming film na Pamilya Sa Dilim.

Samantala, si Kych naman ay nakilala sa kanyang pagganap sa mga BL project.

Parte rin siya ng main cast ng 2022 movie na May-December-January na isinulat ni National Artist for Film and Broadcast Ricky Lee at idinerehe ni McArthur C. Alejandre.

NARITO ANG PASILIP SA BAGONG TELESERYE NINA THERESE AT KYCH NA UNICA HIJA SA GALLERY NA ITO: