GMA Logo kate valdez and kelvin miranda
What's on TV

Kate Valdez shares 'kulitan' moments with Kelvin Miranda on the set of 'Unica Hija'

Published November 16, 2022 11:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

kate valdez and kelvin miranda


Kinakiligan ang kulitan nina Kate Valdez and Kelvin Miranda sa set ng 'Unica Hija' at binansagan pa sila ng netizens na 'KateVin.'

Sina Kate Valdez at Kelvin Miranda ang magkatambal sa bagong GMA Afternoon Prime series na Unica Hija.

Magiging love interest nila ang isa't isa sa nasabing family drama. Si Kate ay gumanap na Bianca, isang dalagitang namatay matapos mahulog sa bangin.

Simula ngayong Miyerkules, November 16, mapapanood ang isa pa niyang karakter na si Hope, ang clone ni Bianca.

Ngayong araw din lalabas ang karakter ni Kelvin na maloko at pilyong si Ralph. May pagkarebelde si Ralph sa ina dahil overprotective ito.

Sa Instagram post ni Kate noong Martes, November 15, ipinasilip ng aktres ang mga ganap sa likod ng kamera habang nagsasagawa sila ni Kelvin ng reading and blocking kasama ang Unica Hija director na si Mark Dela Cruz.

Sa post ni Kate, mapapanood ang kulitan nila ni Kelvin sa set ng serye kung saan hinampas ni Kate si Kelvin sa braso matapos siya nitong gulatin.

"Ganito po ka kulit si @iamkelvinmiranda sa set ng UNICA HIJA 👀 diba po Direk @marksdelacruz 😂🙊," saad ni Kate sa caption.

Isang post na ibinahagi ni Kate Valdez (@valdezkate_)

Kinakiligan naman sina Kate and Kelvin na shini-ship din ng netizens at binansagan pa silang 'KateVin.'

Comments

Abangan ang tambalan nina Kate at Kelvin sa Unica Hija weekdays, 3:25 p.m., pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.

Ang livestreaming ng serye ay available sa official Facebook page ng GMA Network.

Kung ma-miss mo man ang Unica Hija, maaaring i-stream ang full episodes at episodic highlights nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, TINGNAN ANG IBA PANG LARAWAN NINA KATE AT KELVIN SA SET NG 'UNICA HIJA' SA GALLERY NA ITO: