
Patuloy ang pamamayagpag sa TV ratings ng sinusubaybayang drama sa hapon na Unica Hija.
Ang episode nito na ipinalabas noong nakaraang Biyernes, December 9, ay nakakuha ng pinakamataas nitong rating simula noong ipinalabas ito noong November 7 sa GMA Afternoon Prime.
Nakakuha ito ng rating na 9.3 percent, base sa preliminary/overnight data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement People Ratings ng Nielsen.
Sa nasabing episode, napanood ang pagpapanggap ni Carnation (Faith Da Silva) bilang si Hope (Kate Valdez). ang clone ni Bianca.
Kinupkop si Carnation ng ina ni Bianca na si Diane (Katrina Halili) at pinatira sa mansyon nito.
Nangyari ito matapos itago si Hope ng malupit niyang nanay-nanayang si Lorna (Maricar De Mesa), ina ni Carnation.
Dahil sa paghihinala ni Ralph (Kelvin Miranda) na itinatago ni Lorna si Hope, agad na sumugod ang binata sa bahay nito para hanapin ang dalaga pero hindi siya nagtagumpay.
Patuloy na subaybayan ang Unica Hija weekdays, 3:25 p.m., pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.
Ang livestreaming ng serye ay available sa GMANetwork.com at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Kung ma-miss mo man ito, maaaring i-stream ang full episodes at episodic highlights ng Unica Hija at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
TINGNAN ANG MASAYANG SET NG 'UNICA HIJA' SA GALLERY NA ITO: