
Intense ang mga eksena sa mas tumitinding GMA Afternoon Prime series na Unica Hija.
Higit na nagpa-stress sa mga manonood ang karakter ni Mark Herras, na gumaganap na Zach.
Si Zach ay maituturing na pinakamatinding pasakit sa buhay ng bida ng kuwento na si Hope (Kate Valdez), ang clone ni Bianca, dahil tila nagkaroon na ito ng sakit sa pag-iisip dahil sa obsesyon sa kababatang si Bianca.
Noong Martes, January 10, napanood ang komprontasyon nina Zach at Hope nang dalhin ni Zach si Hope sa burol kung saan nahulog si Bianca ilang taon na ang nakararaan.
Dito kasi ipinagtapat ni Zach ang kanyang pag-ibig para kay Bianca, ilang minuto lang bago ito nahulog sa bangin.
Nais balikan ni Zach ang panahon na iyon pero sinampal siya ng katotohanan.
Pinaintindi ni Hope na hindi siya si Bianca, na "Bubbles" kung tawagin ni Zach.
Nagkaroon naman si Hope ng ideya kung ano ang relasyon ni Zach kay Bianca nang mabasa niya ang isang sulat ni Bianca para kay Zach. Dito ay tinawag ni Bianca si Zach na "best friend."
Habang nasa gitna ng kanilang mainit na komprontasyon sa matarik na burol, diniin ni Hope na kaibigan lang ang turing ni Bianca kay Zach at ito ang nagtulak sa huli na bunutin ang kanyang baril at pagtangkaan ang buhay ni Hope.
Napanood ang nasabing eksena maging sa Facebook page ng GMA Drama at nakakuha ng mahigit isang milyong views matapos itong ma-upload noong Martes.
Sa ngayon, mayroon na itong 1.7 million views.
Para sa iba pang episodic highlights ng Unica Hija, bumisita sa GMANetwork.com o sa official social media pages ng GMA Drama.
Mapapanood ang Unica Hija weekdays, 3:25 p.m., pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.
Ang livestreaming ng serye ay available sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
TINGNAN SA GALLERY NA ITO ANG ILANG LARAWAN MULA SA SET NG UNICA HIJA: