What's on TV

Faith Da Silva, nag-react sa bashers ng kanyang 'Unica Hija' role

By Jansen Ramos
Published January 31, 2023 6:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Paolo Contis, aminadong marami siyang nagawang pagkakamali sa buhay
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

faith da silva


Mensahe ni Faith Da Silva sa mga gigil na gigil sa pagganap niya bilang Carnation sa 'Unica Hija': "Character lang naman 'to, 'wag kayo ma-high blood.'

Game na sinagot ng Kapuso actress na si Faith Da Silva ang mga bumabatikos sa kanyang character sa GMA Afternoon Prime series na Unica Hija.

Sa soap opera, napapanood si Faith bilang Carnation, ang tumatayong kapatid ng bidang si Hope, na ginagampanan ni Kate Valdez.

Hindi maganda ang trato ni Carnation at ina niyang si Lorna (Maricar De Mesa) kay Hope dahil ito ay inampon lamang ng kanilang padre de familia na si Jhong (Biboy Ramirez).

May pagkamaldita si Carnation at hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya madaling maimpluwensyahan ng kanyang oportunistang ina na si Lorna.

Ayon kay Faith, bilang Carnation ay "gigil na gigil siya kay Hope" na requirement para sa kanyang role. Pero in real life, nilinaw ni Faith na walang bad blood sa kanila ni Kate.

Aniya sa isang online exclusive video, "Love na love ko si Kate dahil malalim na po ang pinagsamahan namin. We've been friends for a long time and super love ko s'ya. Sobrang gaan niya katrabaho and, at the same time, masaya lang 'yung set namin kasi tawa kami nang tawa."

Idiniin din ni Faith sa mga basher ni Carnation na isa itong kontrabida sa telebisyon at gawa-gawa lamang ang character na ito.

"Gusto ko lang din pong klaruhin sa lahat na siyempre itong si Carnation ay character lang naman 'to, 'wag kayo ma-high blood. I-enjoy n'yo na lang 'yung Unica Hija," aniya.

Nagpasalamat naman si Faith sa mga tumatangkilik sa Unica Hija dahil sa mataas na ratings na natatanggap ng programa.

"Salamat sa suporta n'yo, sa walang sawa talaga. Every day nakikita ko nagko-comment kayo, nagpo-post kayo, at tina-tag n'yo ko. I'm very grateful at ang buong Unica Hija team,” dagdag pa niya.

"At sana masubaybayan n'yo pa ang Unica Hija dahil patindi nang patindi ang mga eksena."

Mapapanood ang Unica Hija weekdays, 3:25 p.m., pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.

Ang livestreaming ng serye ay available sa GMANetwork.com at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Kung ma-miss mo man ito, maaaring i-stream ang full episodes at episodic highlights ng Unica Hija at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

NARITO ANG PASILIP SA SET NG UNICA HIJA: