
Simula na ng mas nakalilitong tagpo sa inaabangang drama sa hapon na Unica Hija.
Sa episode ng GMA Afternoon Prime series ngayong Huwebes, February 2, lumitaw ang panibagong karakter.
Hindi na ito iba sa paningin ng viewers dahil kamukang-kamukha nito ang lead character ng serye na si Hope (Kate Valdez).
Habang nakikipagtaguan sina Hope at Ralph (Kelvin Miranda) kina Lucas (Bernard Palanca) at Elina (Erin Ocampo), tila pinaglalaruan sila ng babaeng kawangis ni Hope na ikinatuliro nila.
Maging si Hope ay confused nang makita ang babaeng nakasuot ng dilaw na kapote kagaya niya.
Sa gitna ng habulan, lumitaw ang lalaking nagngangalang Mickey at inalok sina Hope at Ralph ng tulong sa kasagsagan ng malakas na ulan.
Sumama naman ang dalawa sa lalaki at dinala sila sa isang mansyon. Dito ay nakita ni Hope ang babaeng kamukang-kamukha niya.
Hinabol ni Hope ang nasabing babae hanggang sa nakarating siya sa hardin kung saan niya nakita ang dalawang puntod na may naukit na mga pangalang “Joy” at “Grace.”
Sari-saring teorya ang nabuo online dahil sa paglabas ng look-alike ni Hope.
Sa palagay ng Facebook user na si Lyka Evangelista, may kinalaman ito sa babaeng nakatrabaho ni Dr. Christian (Alfred Vargas) na hindi pa rin tukoy ni Diane (Katrina Halili) kung sino.
Sa tingin naman ni Gerald Dane Ignacio Relucio, buhay si Christian at anak niya ang tatlo pang tauhan na kamukha rin ng clone, na mapapanood sa teaser ng programa.
Teorya naman ng viewer na si Arlene Obguia Bueno Lpt, maaari ring produkto ang lahat ng ito ng eksperimento.
Naging tampulan din ng biro ang nasabing eksena sa episode ng Unica Hija ngayong araw.
Ani Jhona Lhinn N-Lagutin, "Nabasa ng ulan si Hope kaya bigla s'yang dumami."
Hirit naman ni Diamonon Romero April sa karakter ni Kelvin Miranda, hindi lang isa kundi apat ang pwede nitong mahalin.
Sa mga susunod na episode ng Unica Hija, ipakikilala kung sino-sino ang iba pang karakter na kahawig ni Hope.
Tutukan 'yan sa Unica Hija weekdays pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA 7 at sa Pinoy Hits (Channel 6) ng GMA Affordabox at GMA Now.
Ang livestreaming ng serye ay available sa GMANetwork.com, at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Kung ma-miss mo man ito, maaaring i-stream ang full episodes at episodic highlights ng Unica Hija at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
NARITO ANG ILANG EKSENA SA PAGKIKITA NI HOPE AT NG "DOPPELGANGER" NIYA: