
Tagos sa puso ang eksena sa pagitan ng magkapatid na Victor (Alden Richards) at Lynette (Chynna Ortaleza) sa higanteng telefantasya series na Victor Magtanggol.
Napanood noong nakaraang Miyerkules, August 8 ang nakakaantig na moment kung saan nagpasalamat si Lynette sa nakababatang kapatid sa lahat ng ginawa niyang sakripisyo para mahanap ang kanilang ina na si Vivienne (Coney Reyes).
Dagsa sa Twitter ang papuri para sa performance ni Chynna..
Nag-tweet din ang Kapuso actress para magpasalamat sa lahat ng mga tao na natuwa sa eksena nila sa Kapuso series.
Panoorin ang eksena sa video na ito: