Lolit Solis, may kuro-kuro tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng 'Victor Magtanggol'
Nalalapit na ang heroic finale ng GMA Telebabad superhero series na Victor Magtanggol kaya hindi na napigilan ng veteran showbiz writer at manager na si Lolit Solis na magbahagi ng kanyang mga kuro-kuro tungkol sa show at sa lead star nitong si Alden Richards.
Masaya raw siya na nabuo nito ang target run na nakasaad sa kontrata.
"Natutuwa ako na natapos ng Victor Magtanggol ang napag-usapang length ng run nito Salve. Given na siyempre hindi natalo si Coco Martin, pero Alden Richards gave his all for Victor Magtanggol. The mere fact na nabuo nito ang running na nasa kontrata, ibig sabihin marami din tumangkilik dito," sulat niya sa kanyang Instagram account.
Sa tingin daw niya, naipakita sa palabas ang kakayanan ni Alden bilang isang aktor.
"Marami din ang nagustuhan ang takbo ng istorya , at higit sa lahat naipakita ni Alden ang kakayahan niya bilang actor. Oo tanggap naman ng team VM na talagang ubod ng tibay ang kalaban programa, pero iyon ma-satisfy mo iyon hinahanap ng fans ni Alden, tama na iyon para lumigaya ang bumubuo ng Victor Magtanggol," aniya.
Bukod dito, hanga rin siya sa katatagan ng loob ni Alden at sa sipag nito sa trabaho.
"Sige, iyon mga nagnanais saktan damdamin ni Alden by bashing him, go ahead. Isang bagay na ikinagusto ko kay Alden iyon tatag ng loob niya at iyon kahit nasasaktan siya, makikita mo pa rin pilit niya kinakaya dahil sa pagmamahal niya sa trabaho. Alden is one good example of a good man, iyon faith niya sa God, pagmamahal sa pamilya, pagiging focus sa trabaho, paggalang sa mga tao sa paligid niya, siguro kung ako ang basher mahihiya ako. You don't have the right to put down a man na ganun kabait, ikaw mismo mahihiya," ani Lolit.
Umaasa rin daw siya na marami pang opportunities ang matatanggap ng aktor matapos ang Victor Magtanggol.
"Pero totoo nga, kung sino ang inaapi, pinagpapala. Go Alden go, malayo pa mararating mo, lahat pangarap mo makakamtan mo, ibibigay sa iyo kasi deserving ka, mahal ka ni God," pagtatapos niya.
Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.