What's on TV

WATCH: Andrea Torres, nagbigay ngiti sa isang batang fan

By Aedrianne Acar
Published November 9, 2018 12:04 PM PHT
Updated November 9, 2018 12:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Isang batang babae ang kinilig sa video greeting ng 'Victor Magtanggol' star na si Andrea Torres. Panoorin ang video dito.

Certified good vibes ang hatid ni Andrea Torres sa isang batang babae na super idol ang karakter niyang si Sif sa Victor Magtanggol.

Sa video na in-upload ng netizen na si @yasoymeeh sa Twitter, makikita na sobrang saya ng bunso niya na makita ang surprise video greeting ni Andrea Torres para sa kaniya.

Todo din ang kilig ni Andrea na sa simpleng paraan ay napasaya niya ang isa sa mga fans niya.

Tweet ng Kapuso actress, “Waaaah! Ang cute niya po. Thank youuu. Please give her an extra kiss. From Sif Hehehe.”

READ: Pamilya Magtanggol, napamahal na sa mga Kapuso

Patuloy din bumubuhos ang positive feed back sa mahusay na pagganap ni Andrea bilang si Sif sa Victor Magtanggol.

Patuloy pa rin tumutok sa mas lalong tumitiding eksena sa Kapuso telefantasya series na Victor Magtanggol pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad!