What's on TV

Andrea Torres, may hugot sa pagtatapos ng 'Victor Magtanggol'

By Marah Ruiz
Published November 19, 2018 6:07 PM PHT
Updated November 19, 2018 6:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring clouds, light rains in parts of Luzon, Visayas — PAGASA
Get to know this buko sherbet vendor who looks like Chris Brown
P95M shabu seized, alleged drug courier nabbed in Surigao City

Article Inside Page


Showbiz News



May hugot ang isa sa lead stars na si Andrea Torres sa pagtatapos ng GMA Telebabad superhero series na 'Victor Magtanggol.'

Nagtapos noong nakaraang Biyernes, November 16, ang GMA Telebabad superhero series na Victor Magtanggol.

Exciting ang naging usapan ng netizens tungkol dito dahil naging top trending topic pa ng Twitter Philippines ang official hashtag nitong #VMTheHeroicFinale.

May hugot naman ang isa sa mga lead stars nitong si Andrea Torres sa pagtatapos ng minahal nilang show.

"Hanggang sa muli Diyosang Sif.. Mamimiss kita.. (Mamimiss din kita Ratty! Hehehe!) #VMTheHeroicFinale," sulat niya sa caption ng kanyang Instagram post kung saan makikita ang kanyang karakter na may korona at nakaupo sa trono ng Asgard."

Hanggang sa muli Diyosang Sif.. Mamimiss kita.. 😊 (Mamimiss din kita Ratty! Hehehe!) #VMTheHeroicFinale

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres) on

Matatandaang si Sif ang naging reyna ng Asgard matapos ang huling laban ni Victor para sa Midgard.

Balikan ang ilang mga eksena mula finale ng superhero series na Victor Magtanggol.