
Talagang nag-improve hindi lang ang career kundi ang personal development din ni Ysabel Ortega nang mapabilang sa inaabangang Voltes V: Legacy.
Sa online mediacon ng upcoming series ngayong April 5, hindi niya itinangging mahiyain siyang tao pero nabago raw ito dahil sa kanyang experience sa Voltes V: Legacy.
"Before I started Voltes V: Legacy, very shy pa rin ako as a person. I know ang hirap na paniwalaan kasi artista ako pero mahiyain ako and it's true talaga. I was really a shy person pa rin pero I feel like while embodying Jamie, I was a confident person," bahagi ni Ysabel.
Si Ysabel ang gaganap sa female ninja na si Jamie Robinson sa Voltes V: Legacy. Maangas ang dating ni Jamie dahil sa kanyang galing sa martial arts at combat fighting.
"Feeling ko nakuha ko rin 'yung confidence n'ya pero, you know, parang nagkaroon din po ako ng bilib sa sarili ko and I think I really grow as a person talaga kasi three years din po 'yun e and siyempre Voltes V: Legacy is such a big project of GMA, definitely."
Bukod sa kanyang experience at improvement, lalong umingay ang pangalan ni Ysabel at lumaki ang fanbase.
Dahil dito, sunod-sunod ang endorsements ni Ysabel, kabilang na ang naglalakihang brands na Mac Cosmetics at Met Tathione.
Ayon kay Ysabel, nakatulong ang Voltes V: Legacy para maramdaman ang presence niya ng madla, na rason kung bakit isa siya sa mga in-demand endorser ngayon.
"I feel like it really helped me po in my career and sobrang grateful din po ako this month came my few endorsements and definitely, sobrang thankful po ako kasi if it wasn't for Voltes V, I wouldn't be as confident as I am today, I wouldn't be as determined po siguro and much more determined po ngayon."
Labing-anim na taong gulang si Ysabel nang pasukin niya ang pag-aartista.
Naging opisyal na Kapuso ang aktres nang maging talent siya ng GMA Artist Center, na kilala na ngayong Sparkle.
Bago ang Voltes V: Legacy, napanood si Ysabel sa GMA primetime series The Gift (2019) at bumida sa rom-com series na What We Could Be (2022) kasama ang Voltes V: Legacy co-star niyang si Miguel Tanfelix at si Yasser Marta.
BALIKAN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI YSABEL ORTEGA RITO: