GMA Logo miguel tanfelix
Photo Source: migueltanfelix_ (Instagram)
What's on TV

Miguel Tanfelix, mas naging responsableng aktor dahil sa 'Voltes V: Legacy'

By Jansen Ramos
Published April 5, 2023 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: NU stuns UST, draw first blood in women's basketball finals
Barricade mulled below flyover, as DPWH sought to pay P1.9M debt

Article Inside Page


Showbiz News

miguel tanfelix


Miguel Tanfelix sa natutunan niya sa 'Voltes V: Legacy: 'Dapat 'di lang sarili ko 'yung iniisip ko.'

Nabago ang takbo ng career o buhay, in general, ng cast members ng Voltes V: Legacy partikular na ang lead cast nito, matapos gawin ang inaabangang serye.

Inanunsyo kamakailan ng direktor ng programa na si Mark Reyes na tapos ang taping nila na tumagal ng halos dalawang taon.

Isang post na ibinahagi ni Mark Reyes (@direkmark)

Sa pagtatapos ng produksyon ng Voltes V: Legacy, baon ng cast ang mga natutunan nila habang ginagawa ang groundbreaking action-packed drama.

Bagamat experienced actor na, mas naging mature si Miguel Tanfelix nang mapabilang sa tinatayang pinakamalaking proyekto ng GMA ngayong taon.

Kaakibat nito ang matinding disiplina, lalo pa at itinuturing siyang leader sa set ng programa. Gagampanan niya ang role na Steve Armstrong, ang leader ng Voltes V at panganay sa Armstrong brothers.

"Mas naging responsible ako lalo na sa kung paano ko tingnan 'yung bawat eksena.

"Feeling ko nag-grow ako dito acting-wise dahil sa guidance ni Direk Mark Reyes at sa guidance ni Coach Jay Cruz," bahagi ni Miguel sa panayam ng GMANetwork.com sa online media conference ng Voltes V: Legacy ngayong Miyerkules, April 5.

May epekto rin daw sa external na aspeto ng pagiging artista ang mga natutunan niya habang ginagawa ang Voltes V: Legacy.

Dugtong niya, "Feeling ko mas naging responsable akong aktor kung ano 'yung dapat na ginagawa ko off-cam sa everyday life ko para mas maging mabuting aktor and mas naging responsible ako towards my co-actors na parang dapat 'di lang sarili ko 'yung iniisip ko. Iniisip ko rin 'yung bawat isa sa set. And natutunan ko na kailangan merong isang tao na nagsisimula para sumunod ang lahat."

Bukod kay Miguel, pinagbibidahan din nina Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho ang Voltes V: Legacy.

Ito ay mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero.

Lahat ng mga materyal na ginamit at gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng Toei at ng licensing agent nito sa Pilipinas na Telesuccess Productions, Inc.

Magpe-premiere ang Voltes V: Legacy sa mga sinehan sa April 19 bago ito ipalabas sa telebisyon sa Mayo.

NARITO ANG IBA PANG ARTISTANG MAPAPANOOD SA VOLTES V: LEGACY: