GMA Logo Voltes v legacy
What's on TV

'Voltes V: Legacy,' mapapanood na simula May 8

By Jansen Ramos
Published May 4, 2023 5:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Voltes v legacy


Narito ang listahan kung saan pwedeng mapanood ang 'Voltes V: Legacy' na magpe-premiere na sa TV sa Lunes, May 8.

Matapos ang ilang taon, ipapalabas na sa telebisyon ang Voltes V: Legacy simula Lunes, May 8.

Mapapanood sa primetime block na GMA Telebabad ang action-packed drama sa ganap na alas otso ng gabi pagkatapos ng 24 Oras.

Kasabay eere sa GMA Channel 7 ang Voltes V: Legacy sa GTV at sa digital channels na I Heart Movies at Pinoy Hits, na available sa GMA Affordabox, GMA Now, at sa iba pang digital television boxes.

Mayroon din itong simulcast live airing sa flagship international channel ng GMA na GMA Pinoy TV. Para mapanood ito overseas, mag-subscribe lang sa GMA Pinoy TV.

Bukod sa telebisyon, ipapalabas din ang Voltes V: Legacy online via Kapuso Stream. Maaari itong mapanood sa GMANetwork.com, at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Kung ma-miss mo man ito, magiging available ang catch-up episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA online pagkatapos ng pag-ere sa TV.

Ang Voltes V: Legacy ay mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero at sa direksyon ni Mark Reyes.

Lahat ng mga materyal na ginamit at gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng Toei at ng licensing agent nito sa Pilipinas na Telesuccess Productions, Inc.

NARITO ANG MGA ARTISTANG MAPAPANOOD SA INAABANGANG VOLTES V: LEGACY: