
Damang-dama ang mainit na pagsuporta ng mga Pinoy sa Voltes V: Legacy sa iba't ibang parte ng bansa.
Gaya na lang sa probinsya ng Bataan na sinalubong ng malakas na hiyawan ang lead stars ng programa na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho sa GMA Regional event doon na ginanap sa isang mall noong Biyernes, May 19.
Hinataw din ng isang barangay sa Bataan ang official theme song Voltes V: Legacy na "Voltes V No Uta" sa isang parada.
Sa Metro Manila naman, pinintahan ang isang dingding na matatagpuan sa Paco, Manila ng mga karakter sa Voltes V, kabilang na ang super robot, base sa Facebook post ni Arjay Alfon.
Ani ng netizen, "Spotted near Paco Market, Manila. Tagal ko na nadadaanan ngayon lang ako nagkaroon ng chance ma-pic kahit naandar jeep hahaha."
Mula Luzon, nakaabot na rin maging sa Iloilo ang Voltes V: Legacy fever.
Sa video na ito, tinugtog ng isang marching band sa Oton, Iloilo ang "Voltes V No Uta" sa pagdiriwang ng kapistahan ni Sta. Rita ngayong May 22.
Talaga namang in-demand ang theme song ng Voltes V sa panahon ng kasiyahan, tulad na lang ng kuha na ito.
Patuloy na subaybayan ang Voltes V: Legacy mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng gabi sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.
KILALANIN ANG ANG UNANG BEASTFIGHTER NA KAKALABANIN NG VOLTES V SA GALLERY NA ITO: