
Sunod-sunod na napatumba ng Voltes V ang mga pinadalang robot ng Boazan pero hindi titigil ang mga mananalakay na masakop ang planetang Earth sa Voltes V: Legacy.
Matapos matalo ng Voltes V ang humanoid samurai warrior na si Gardo, isang dambuhalang ahas naman ang makakalaban ng Voltes V team na mapapanood na ngayong gabi, June 16.
Ito ay si Negg, ang ikaapat ng Boazanian beastfighter na kayang lumingkis at magpakawala ng spike cannon balls. Nakakalipad din ito sa himpapawid at nakakalangoy sa tubig, ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Miyerkules, June 14.
Meron din itong kakayahang magbuga ng enerhiya mula sa kanyang bibig na maaaring makatunaw sa anuman ang tamaan nito.
Sa lakas ng kanyang buntot, kaya nitong buruhin ang matatamaan nito.
Sa orihinal na anime version, "Neggu" ang pangalan ng robot.
Panoorin ang buong ulat dito:
Base sa teaser ng Voltes V: Legacy ngayong Biyernes, malalagay sa panganib si Little Jon, na ginagampanan ni Raphael Landicho, matapos lumipad mag-isa gamit ang volt frigate.
Kukuhanin ni Negg ang pagkakataon para lingkisin ang nag-iisang Voltes V vehicle sa himpapawid habang wala ang mga kasamahan nito.
Pero ito na nga ba ang magpapatumba sa pambato ng mundo kontra sa alien invasion?
Samantala, sa gitna ng mga planong pag-atake, masusubok ang pagiging matatag ni Zuhl (Epy Quizon) kay Prinsipe Zardoz (Martin Del Rosario).
At sa Camp Big Falcon naman, may namumuong alitan sa pagitan ng Armstrong brothers. Pag-ibig kaya ang sisira sa magkapatid na sina Steve at Big Bert?
Abangan lahat 'yan sa tumitinding kuwento ng Voltes V: Legacy Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang gmapinoytv.com/subscribe para malaman kung paano mapapanood ang programa overseas.
BALIKAN ANG LABAN NINA VOLTES V AT GARDO SA GALLERY NA ITO: