
Mapapanood na ang mga bagong karakter sa sinusubaybayan action-drama series sa gabi na Voltes V: Legacy.
Sa teaser ng programa ngayong August 16, lalabas na ang additional cast members nito na sina Kylie Padilla, Vaness Del Moral, at Pancho Magno. Gagampanan nila ang role bilang Boazanians.
Si Kylie ay mapapanood bilang Arisa, samantalang si Pancho ay si Takeo. Bibigyang-buhay naman ni Vaness ang papel na Contessa Zaki.
Sina Arisa at Takeo ay kambal na mandirigmang uutusan ni Zardoz (Martin Del Rosario), sa pamamagitan ni Contessa Zaki, na bihagin at patayin ang Voltes V Team.
Samantala, aabangan din kung may kahihinatnan ang mga panghihila ni Eva (Ella Villanueva) kay Jamie (Ysabel Ortega) pababa para makapasok sa Voltes V team.
Mapapanood ang Voltes V: Legacy weeknights, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang gmapinoytv.com/subscribe para malaman kung paano mapapanood ang programa overseas.