
Masaya at thankful ang Kapuso actor at singer na si Matt Lozano dahil tumatak sa mga manonood ang pagganap niya bilang Big Bert sa Voltes V: Legacy na serye. Sa katunayan, ilang fans pa nga ang lumalapit sa kanya para magpasalamat.
Ikinuwento ni Matt sa interview niya sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast ang ilang moments na lumapit sa kanya ang mga fans para magpa-autograph at magpa-picture.
“Siguro 'yung pinaka [touching] sa akin ngayon 'yung mga bata, na sinasabi nila na 'Kuya Big Bert, sobrang happy kami kasi andiyan ka palagi,'” pag-alala nito.
“Ang sarap sa pakiramdam na hindi ko kasi akalain na yung mga bata ngayon, 'yung mga generation ngayon ma-a-appreciate nila ang Voltes V,” sambit ni Matt.
KILALANIN SI MATT LOZANO SA GALLERY NA ITO:
Dagdag pa nito, inaasahan nilang pinakamalaking audience nila ay mula sa mga nanood ng original 1970s Voltes V, ngunit nagulat sila nang malamang halo-halo ang edad ng kanilang manonood.
Isa pang memorable encounter kay Matt ay ang paglapit ng isang fan na kaedad ng kanyang ama.
Ayon kay Matt, nagpapa-gas lang siya noon sa expressway at um-o-order ng pagkain nang may lumapit na isang fan, naka suot ng T-shirt ng Voltes V, at nasa edad ng dad niya.
“Tapos nu'ng nakita niya ako niyakap niya ako, sabi niya sa akin, 'Thank you for bringing back my childhood.' 'Yun 'yung isa sa pinaka-na-touch ako na, nakaka-touch din pala kami ng mga tao na sobrang fan dati,” sabi ng aktor.
Pino-portray ni Matt ang karakter ni Big Bert, ang martial artist at strategist ng Voltes Team. Siya rin ang piloto ng Volt Panzer, ang bumubuo sa katawan ng Voltes V robot.
Mapapanood ang Voltes V: Legacy, Lunes hanggang Biyernes, 8PM sa GMA.
Pakinggan ang buong interview ni Matt sa Surprise Guest with Pia Arcangel dito: