
Talaga namang inaabangan ang mga huling episode action-drama series na Voltes V: Legacy gabi-gabi.
Hindi lang patok sa social media, kundi panalo rin sa ratings ang mga nagdaang episode ng programa sa finale week nito.
Sa September 4-episode ng Voltes V: Legacy, nakapagtala ito ng combined rating na 14.0 percent para sa GMA, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits, base sa preliminary overnight data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement People Ratings ng Nielsen Philippines.
Sa sumunod naman na episode na ipinalabas noong Martes, September 5, 13.9 ang nakuhang rating ng Voltes V: Legacy.
Sa mga nasabing episode, napanood ang pagpasok ng Solar Falcon sa planetang Boazan.
Hindi ito naging madali sa Voltes V team dahil kabi-kabilang pag-atake ang kanilang nilabanan, kabilang na ang fossi-negatron na may malakas na enerhiya na maaaring magpatunaw sa Solar Falcon habang nasa kalawakan.
Sa huli, matagumpay na nakapasok ang Voltes V team sa Boazan at dito mabubunyag ang isang malaking rebelasyon na makakaapekto kina Steve (Miguel Tanfelix), Zardoz (Martin Del Rosario), at Ned Armstrong (Dennis Trillo) na mapapanood sa huling tatlong episode ng Voltes V: Legacy.
Abangan ang pagtatapos ng Voltes V: Legacy, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang gmapinoytv.com/subscribe para malaman kung paano mapapanood ang programa at ang iba pang shows ng GMA overseas.