
“Voltes V: Legacy signing off…. or are we?”
Ito ang pahiwatig ng direktor na si Mark Reyes sa posibleng sequel ng Voltes V: Legacy sa kanyang Instagram post Biyernes ng gabi kasabay ng finale episode ng nasabing serye.
Matatandaan na mahigit tatlong taon ang inabot ng produksyon upang mabuo ang nasabing Pinoy pride series na ive-action adaptation ng popular Japanese '70s anime.
'Voltes V: Legacy' pays tribute to original anime's ending credits
Ang Voltes V: Legacy ay pinagbibidahan ng Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, Raphael Landicho, at Dennis Trillo.
Sa pagtatapos ng serye, tila may pahiwatig naman ang direktor nito na si Mark sa posibleng kasunod na kuwento nito.
Sa Instagram, September 8, ibinahagi ni Mark ang finale poster ng Voltes V: Legacy na may nakakaintrigang caption.
“@voltesvlegacy signing off... or are we?” saad ni Direk Mark.
Sinundan pa niya ito ng isang hash tag na, “#butwaittheresmore”
Samantala, matatandaan naman sinabi noon ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, sa panayam ni Paolo Contis sa Just In, na plano rin ng GMA na gumawa ng live-action adaptation ng isa pang robot anime series na Daimos kung saan napipisil na gumanap dito si Asia's Multi-media Star Alden Richards.