
Mapapanood na muli sa telebisyon ang megaseries na Voltes V: Legacy.
Simula ngayong hapon, May 6, magiging bahagi na ng nangungunang GMA Afternoon Prime ang Philippine adaptation ng iconic anime na Voltes V.
Nitong nakaraang Pebrero, nakatanggap ang Voltes V: Legacy ng commendation mula sa Japanese Embassy.
Kinikilala nito ang kontribusyon ng serye sa pagpo-promote ng Japanese pop culture sa Pilipinas at sa patuloy na papapalalim ng Philippines at Japan relations.
Ang certificate of commendation na ito ay galing kay Ambassador of Japan to the Philippines, Kazuhiko Koshikawa.
Inihandog naman ito ni Embassy of Japan in the Philippines Deputy Chief of Mission, Kenichi Matsuda sa GMA Network sa opening ceremony ng ginanap na Japanese Film Festival PH 2024.
Si GMA Entertainment Group Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy ang tumanggap ng parangal para sa Voltes V: Legacy at GMA Network.
"This award serves as a powerful reminder of the enduring bond between our nations and the impact of cultural exchange through the language of art and storytelling. We commit to continue our dedication to storytelling that resonates across borders," pahayag niya.
Present din sina series director Mark Reyes, lead stars na sina Radson Flores at Matt Lozano, Assistant Vice President for Drama Helen Rose Sese, at Executive Producer Darling Pulido-Torres.
Ang Voltes V: Legacy ay kuwento ng tatlong magkakapatid na sina Steve, Big Bert, at Little Jon Armstrong, at kanilang mga kaibigan na sina Jamie Robinson at Mark Gordon, na lalaban sa mga puwersa ng humanoid alien na kilala bilang mga Boazanians na nagbabalak na salakayin ang lupa at ilunsad ang kanilang mga beastfighter sa buong mundo.
Bibida rito sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho na gumanap bilang Voltes V team.
Mula ito sa produksyon ng GMA Entertainment Group sa pakikipagtulungan ng Telesuccess Productions at TOEI Company.
Let's volt in again sa hapon kasama ang Voltes V: Legacy, simula May 6, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime!
May simulcast din ito sa Pinoy Hits, at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.