
Isang sorpresa na naman ang hatid ng megaseries na Voltes V: Legacy.
Simula kasi sa May 27, lilipat ito sa bagong oras na 4:30 p.m., Lunes hanggang Biyernes.
Mas angkop ang timeslot na ito sa mga kabataan na nais manood ng super robot action sa hapon sa Voltes V: Legacy.
Ang Voltes V: Legacy ay kuwento ng tatlong magkakapatid na sina Steve, Big Bert, at Little Jon Armstrong, at kanilang mga kaibigan na sina Jamie Robinson at Mark Gordon, na lalaban sa mga puwersa ng humanoid alien na kilala bilang mga Boazanians na nagbabalak na salakayin ang lupa at ilunsad ang kanilang mga beastfighter sa buong mundo.
Bibida rito sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho na gumanap bilang Voltes V team.
Mula ito sa produksyon ng GMA Entertainment Group sa pakikipagtulungan ng Telesuccess Productions at TOEI Company.
Let's volt in again sa Voltes V: Legacy, Lunes hanggang Biyernes sa bago nitong timeslot simula May 27 na 4:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime!
May simulcast din ito sa Pinoy Hits, at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.