Voltes V, ginamitan ng butterfly return technique si Gardo sa 'Voltes V: Legacy'

It's another win for Voltes V matapos nitong mapatumba ang ikatlong Boazanian beastfighter na si Gardo sa pinag-uusapang action-drama sa gabi na 'Voltes V: Legacy.'
Gumamit ang Voltes V team ng isang strategy para talunin ang beastfighter samurai na bihasa sa paggamit ng espada.
Sa loob ng maikling oras na pagsasanay, natutunan agad ng lider ng grupo na si Steve Armstrong (Miguel Tanfelix) ang secret skill kung saan aalisan ng armas ang kalaban. Ito ang butterfly return technique na isa sa mga iconic scene sa Japanese anime na 'Voltes V,' kung saan base ang GMA Telebabad series.
Sa bakbakan nina Voltes V at Gardo, kinontrol ni Steve ang mga kamay ni Voltes V para ipitin ang espada ng kalaban at pigilan silang atakihin nito.
Tumalsik naman ang sandata ng halimaw pero nakuha niya itong damputin. Sa kanilang final match, naglaban ang dalawa gamit ang kanya-kanya nilang espada pero nanaig pa rin ang lakas ng laser sword ni Voltes V.
Balikan ang mga tagpong iyan sa 'Voltes V: Legacy.'









