GMA Logo Martin del Rosario
What's on TV

EXCLUSIVE: Martin del Rosario, na-pressure sa reaction ng international fans ng 'Voltes V: Legacy'

Published March 23, 2021 2:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thai esports player expelled from SEA Games for cheating
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Martin del Rosario


“Very excited kasi parang first-time kong gagawa ng project na iba't ibang tao mula sa iba't ibang parte ng mundo ay nag-aabang,” ani Martin del Rosario.

Malaki ang pasasalamat ni Voltes V: Legacy star Martin del Rosario nang mabasa ang lahat ng positive tweets na natanggap niya sa ilang international fans noong inanunsyo na siya ang gaganap bilang Prince Zardoz sa serye.

Kaya naman sa panayam ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Martin na doble ang excitement ang pressure na nararamdaman niya.

Aniya, “Sa Twitter ang dami kong nakikitang reactions lalo na sa mga Japanese who are tweeting about 'Voltes V: Legacy.' May nakita nga rin ako na galing sa Italy at may isa rin na nasa Español, so 'di ko alam kung ano 'yun.

“Very excited kasi parang first time kong gagawa ng project na around the world o iba't ibang tao mula sa iba't ibang parte ng mundo ay nagaabang.

“Talagang mixture ng pressure at excitement, pero maganda 'yun kasi 'pag passionate ka sa ginagawa mo, mas gusto mong ibigay ang best mo.”

Sa parehong panayam, nagisalaysay din ni Martin ang araw na nakilala n'ya ang cast na makakasama niya sa serye.

Wika ng aktor, ““May day na pinagkitakita kami kasama si Direk Mark Reyes.

“Nakita ko na 'yung names sa text pa lang, e. Siyempre may iba dun na nakilala ko na at may iba rin na 'di ko pa nakakatrabaho. So, di ko pa nami-meet talaga.

“Nung nagkita-kita kami, siyempre kinongratulate namin ang isa't isa and parang sinabi nga ni Direk na, itong roles namin, not to put any pressure, but it will change your lives kasi maraming taong nag-aabang talaga nito.

“So kami, very honored kami kasi kami ang napili.”

A post shared by Voltes V: Legacy (@voltesvlegacy)

A post shared by Voltes V: Legacy (@voltesvlegacy)

Maliban sa pagbabasa ng fan reactions, todo preparasyon na rin si Martin sa pagganap bilang si Prince Zardoz sa serye.

Sa katunayan, gusto niyang i-pattern ang popular Marvel villain na si Loki, na ginampanan ni British actor Tom Hiddleston, para sa kanyang karakter.

“Actually tinitingnan ko talaga si Loki. Pero siya kasi very cunning,” bitiw ni Martin.

“Si Prince Zardoz kasi, he's very mischievous pero may honor siya. Hindi siya 'yung manloloko. Patas siya na leader and he's a man of his word.

“Kaya 'yung preparation talaga very Loki 'yung tindig na medyo parang may nakakalokong tingin. Pero kailangan ko lang din ibaba 'yung boses ko na one note lower para mas may authority at nasa posture at matatalas na tingin.”

A post shared by Martin Del Rosario (@martinmiguelmdelrosario)


Isa si Martin sa mga kumpirmadong aktor na gaganap sa Voltes V: Legacy series. Kabilang na diyan sina Kapuso actors Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho.

Ang Voltes V: Legacy ay idederehe ni Direk Mark A. Reyes at isinulat ni Suzette Doctolero.

Ang lahat ng materyal na ipapalabas ng GMA Network ay inaprubahan ng Toei Company, Ltd. at Telesuccess Productions Inc.

Alamin ang confirmed cast sa gallery na ito:

Abangan si Martin del Rosario at ang buong cast ng Voltes V: Legacy dito lang sa GMA-7.