
Ipinamalas ni Ysabel Ortega ang kanyang galing sa martial arts sa stunt training niya para sa highly-anticipated series na Voltes V: Legacy.
Sa training video na ipinost ni Ysabel sa kanyang Instagram, dehado siya sa maraming kalaban pero nanatiling fierce at "no mercy" ang aktres.
Makatotohanan ang bawat suntok at sipa. May one-handed cartwheel pang sinundan ng nakabibilib na martial arts.
Ayon sa panayam ni Aubrey Carampel kay Ysabel sa 24 Oras, "'Yung video po na nakita nila, progress po 'yun and result ng less than a week of stunt training."
Talaga namang higit pa sa 100 percent ang ibinigay ni Ysabel para sa pagganap bilang Jamie Robinson sa Voltes V: Legacy. Nakaka-three sessions pa lang daw siya sa stunt training pero nagawa niya ang mga moves dahil na-train na araw siya ng iba't ibang klaseng martial arts.
Sabi pa ng magadang aktres, "February 2020, I already started my training for muay thai and kickboxing prior pa po 'yun sa official training namin for Voltes V and top of that, nagt-raining din ako ng aerial hoop in case there are aerial stunts.
Dugtong pa ni Ysabel, "Sobrang nakatulong din talaga 'yung past year ko na nag-kickboxing and nag-arnis training din po ako for two months and I remember 'yung arnis ko, I train four times a week and it would be three hours at a time."
Noong bata naman daw si Ysabel, nag-aral din daw siya ng gymnastics kaya flexible ang kanyang katawan kaya sa first time niyang paggawa ng action series, tsina-challenge daw niya ang kanyang sarili at pinaghahandaang mabuti ang role bilang si Jamie.
"Talagang I'm giving my 100 percent po talaga into this role because I know ang dami pong nag-aabang dito sa Voltes V and of course, I want to make everyone proud and wanna do justice to Jamie Robinson."
Bukod sa physical raining, pinaghahandaan na rin ni Ysabel ang iba pang aspeto ng kanyang karakter tulad ng panonood ng original version ng Japanese '70s anime.
Bahagi ng Kapuso star, "Hindi rin po natitigil 'yung pag-aaral ko sa scripts, 'yung research ko when it comes to the background of Voltes V. I think twice ko na yatang inulit 'yung Voltes V series and I plan to watch it over again from start to finish."
Panoorin ang buong panayam kay Ysabel sa video sa itaas.
Bukod kay Ysabel, tampok din sa Voltes V: Legacy sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert Armstrong at child star Raphael Landicho bilang Lil Jon Armstrong.
Binibigyang-buhay naman nina Martin Del Rosario, Liezel Lopez, Epy Quizon, at Carlo Gonzalez ang papel bilang kontrabida na sina Prince Zardoz, Zandra, Zuhl, at Draco.
Parte rin ng much-awaited live-action adaptation ng Japanese anime sina Neil Ryan Sese as Dr. Hook, at Gabby Eigenmann as Commander Robinson.