What's on TV

Epy Quizon admits he almost shaved his eyebrows for 'Voltes V: Legacy'

By Jansen Ramos
Published September 24, 2021 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Dec. 10, 2025) | GMA Integrated News
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

epy quizon and zuhl


Bukod sa taping ng 'Voltes V: Legacy,' abala rin ang versatile actor na si Epy Quizon sa kanyang advocacy na nagsusulong para magkaroon ng pagkakaisa at kapayapaan sa bansa.

Kasalukuyang nasa lock-in taping ng upcoming GMA series na Voltes V: Legacy si Epy Quizon at hindi raw niya maiwasang ma-excite sa ihahain nilang palabas sa mga manonood.

Kuwento pa ng actor sa panayam ni Lhar Santiago sa “Chika Minute” segment ng 24 Oras kahapon (September 23), "Ilang araw na lang matatapos na 'yung set ng Boazanian at pupunta na sila sa Camp Big Falcon so everyday I'm excited, naka-lock in na. Nakakagulat 'yung laki ng production ng Voltes V, isa talagang serye na kaabang-baang."

Sobra ring kina-career ni Epy ang kanyang character na si Zuhl dahil mula sa kanyang pagkabata, sa panonood niya ng Voltes V ay kilalang-kilala niya ang akrater na ito. Si Zuhl ay isang one-horned toothless hunchback scientist na katulong ni Prince Zardoz sa pagwasak ng Voltes V team. Si Prince Zardoz ay main antagonist sa Voltes V: Legacy na gagampanan ni Martin Del Rosario.

Pag-amin ni Epy, "Alam mo, muntik akong magpaahit ng kilay, Kuya Lhar, sa sobrang into the character ako at tuwang-tuwa ako sa pagganap ng character kaso nakunan na ko na may kilay parang sabi ko parang mas bagay ata na walang kilay si Zuhl."

Samantala, habang abala si Epy sa taping ng Voltes V: Legacy, inaasikaso rin niya ang kanyang advocacy program na pinangalanan niyang MagkaisaPH na nagsusulong para magkaroon ng pagkakaisa at kapayapaan sa bansa.

Nagsimula ito noong nagpunta siya sa Marawi na katatapos pa lang ng siege taong 2017 at nakita niya ang kalagayan ng mga kabataan doon.

Aniya, "Parang gusto maging misyon to communicate the message of peace sa mga bata, sa mga musmos na edad katulad ng mga batang 'yon."

Sa kasagsagan ng paglunsad ng kanyang adbokasiya, tanong tuloy ng marami, papasok nga ba sa pulitika si Epy?

Sagot ng anak ni late Comedy King Dolphy, "I will heed to my father's legacy 'di ba sa kanya mismo nanggaling, sa bibig niya mismo nanggaling na madali maging hari, but I was born and bred to be a jester so I'll remain a jester."

Kaugnay ng advocacy campaign, nakatakdang i-release ni Epy ang kanyang kantang "Lukso ng Dugo" sa October 16.

Tampok dito ang mga boses nina Gary Valenciano, Barbie Almalbis, Cookie Chua, Ebe Dancel, Jett Pangan, Ira Cruz, Karel Honasan, at marami pang iba.

Panoorin ang buong report ng 24 Oras sa video sa itaas.