
Isa sa mga dapat abangan sa GMA New Year special na Kapuso Countdown 2022 ang feature tungkol sa inaabangang Voltes V: Legacy.
Base sa inilabas na teaser ng GMA, tampok sa TV special ang eksklusibong pasilip sa paggawa ng live-action adaptation series ng popular '70s anime sa pangunguna ng lead stars nitong sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, at Matt Lozano. Ipapalabas ang Kapuso Countdown 2022 sa Biyernes, December 31, 10:30 p.m. sa GMA.
Ang mga artistang nabanggit ang magbibigay-buhay sa iconic anime group na Voltes 5 team sa GMA adaptation ng Voltes V: Miguel bilang Steve Armstrong; Ysabel bilang Jamie Robinson; Radson bilang Mark Gordon; Matt bilang Robert "Big Bert" Armstrong.
Ang child star na si Raphael Landicho ang ikalimang miyembro ng Voltes 5 team. Siya ang gaganap sa teen genius ng grupo na si Little Jon Armstrong.
Ayon kay Miguel, "Napaka-overwhelming ng buong scale ng production" ng Voltes V: Legacy. Ang konstruksyon pa lang ng set ng Voltes 5 team headquarters na Camp Big Falcon ay inabot ng isang taon, maging ang underground base at ang Boazanian Skull Ship dahil sa laki ng mga ito
Tinatayang singlaki ng tatlo hanggang apat na basketball courts ang Camp Big Falcon.
Bilib naman si Ysabel sa attention to detail ng local adaptation ng Voltes V. Sa katunayan, lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng Toei Company, ang Japanese production company na nag-produce ng Voltes V, at Telesuccess Productions, Inc.--ang licensing company ng Toei sa Pilipinas.
Ang Voltes V: Legacy ay ipo-produce ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero at sa direksyon ni Mark Reyes.
Samantala, narito ang kumpletong listahan ng mga artistang kabilang sa highly-anticipated series: