
Malapit na ulit mag-taping ang inaabangang Voltes V: Legacy.
Sa upcoming leg ng lock-in taping ng series, isa sa mga kukunan ang mga eksena nina Crystal Paras at Matt Lozano bilang love interests ng isa't isa. Lalabas si Matt bilang miyembro ng Voltes 5 team na si Big Bert.
Ayon kay Crystal, "I'm really excited because I'll be able to shoot scenes with Big Bert, si Matt Lozano. 'Di pa po kami nakakapag-work together on set so I'm really, really excited."
Bukod sa bagong love team nina Crystal at Matt, mas maigting ang paghahanda ni Crystal para sa mga maaaksyong eksena nila sa Voltes V: Legacy.
Bahagi pa ng baguhang aktres, "Actually, it's very cliche and overrated but I think with the production like Voltes V: Legacy, you have to be, aside from being emotionally prepared, physical po dapat kasi action na po talaga.
"And I thought it wouldn't be as heavy as I expected but it is. Now that I was given time kasi kailangan kong palakasin 'yung sarili ko kasi ang tagal ko na rin pong hindi gumagalaw masyado."
Sa ngayon, pinaghahandaan ni Crystal ang kanyang role sa live-action adaptation ng '70s anime sa pamamagitan ng weight at core training.
Ayon pa sa kanya, mahalaga rin ang disiplina sa sarili.
"I've been sleeping at a proper time kasi I'm a night owl. I usually sleep past three in the morning as in insomniac but ngayon, naayos ko na siya.
"I've been sleeping at 11 and waking up in the morning and it feels good to be an early bird. Parang mas feeling ko mas nakakagaan ng utak sa umaga 'pag maagang nagigising.
"And I am working out and eating less junk food and less pizza kasi 'yun po ang guilty pleasure ko so kailangan ko siyang bawas-bawasan bago ang lock-in."
Nang tanungin kung ano ang role ni Crystal sa Voltes V: Legacy, maikli niyang sagot, "It's fundamental to the story of Voltes V."
Si Crystal ay parte ng supporting cast ng Voltes V: Legacy.
Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng Toei Company, ang Japanese production company na nag-produce ng Voltes V, at Telesuccess Productions, Inc.--ang licensing company ng Toei sa Pilipinas.
Ang Voltes V: Legacy ay ipo-produce ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero at sa direksyon ni Mark Reyes.
Samantala, narito ang kumpletong listahan ng mga artistang kabilang sa highly-anticipated series: