GMA Logo Jamir Zabarte
Photo by: jamirzabarte (IG)
What's on TV

Jamir Zabarte, isa sa mga dapat abangan sa 'Voltes V: Legacy'

By Aimee Anoc
Published February 23, 2022 5:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Jamir Zabarte


Abangan si Jamir Zabarte bilang si Thomas sa upcoming GMA series na 'Voltes V: Legacy.'

Isa sa mga dapat abangan sa upcoming live-action adaptation series na Voltes V: Legacy ay si Kapuso actor Jamir Zabarte.

Sa isang press interview, ipinakilala ni Jamir ang karakter na kaniyang gagampanan sa serye.

"Si Thomas po is a serious type of guy na naging trainee for camp Big Falcon. Tapos it turns out na sina Steve, Jamie, Big Bert, at Mark ang naging 'Voltes V' team. Kinalaunan naging magkakaibigan po kami," pagbabahagi ni Jamir.

Ayon kay Jamir, may mga fight scenes din siyang gagawin sa serye na dapat abangan ng kaniyang fans.

Ilan sa mga paghahandang ginawa ni Jamir para sa kaniyang karakter ay ang pagwo-workout at pagsali sa acting workshop.

"Ito po 'yung itinuturing ko na naging personal growth ko. Ang laking parte ng 'Voltes V: Legacy' kasi kahit papaano naging conscious [ako] sa sarili [ko], na kailangan kong magpaganda ng katawan at mas maging preparado sa role ko," sabi ng aktor.

Dagdag ni Jamir, "Isa rin sa pinakaimportanteng paghahanda ko is 'yung nag-request ako ng acting workshop kasi baguhan pa rin po ako at kailangan ko pa pong paghusayan 'yung performance ko."

Makakasama ni Jamir sa Voltes V: Legacy sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Matt Lozano, Raphael Landicho, at Radson Flores.

Samantala, kilalanin ang iba pang cast ng Voltes V: Legacy sa gallery na ito: