
Itinuturing ni Voltes V: Legacy director Mark Reyes na "one epic ride" ang produksyon ng nasabing upcoming GMA series na nagsimula noon pang nakaraan taon.
Marami na ang excited sa pagpapalabas ng live-action anime adaptation ng popular na Japanese anime na Voltes V kaya naman regular niyang ina-update ang kanyang followers tungkol sa status ng produksyon nito sa kanyang Instagram account.
Sa post ni Direk Mark ngayong June 30, ibinahagi niyang tapos na nilang kunan ang lahat ng eksena sa loob ng Camp Big Falcon, ang base of operations ng Voltes 5 team, na naka-set up sa isang studio.
Kalakip nito ang larawan niya sa interior set ng Camp Big Falcon bago ito lansagin.
Marami ang naghihintay kung kailan nga ba ipapalabas ang Voltes V: Legacy pero, ayon kay Direk Mark, may ilang araw pa silang bubunuin para makumpleto ang mga eksena nito.
"We just took the last sequence in these hallowed halls. Today wraps up the interior sequences for #campbigfalcon. We still have a few more days for #voltesvlegacy and what a journey it has been and it's not over yet. #OneEpicRide," sulat ni Direk Mark.
Maraming nabuong memories sa nasabing set kaya sa pagtatapos ng kanilang taping dito, nagpakuha ng litrato ang buong team ng Voltes V: Legacy kabilang ang cast, at production staff at crew nito sa loob ng Voltes 5 headquarters.
Bahagi pa ni Direk Mark, ipagpapatuloy nila ang kanilang taping sa set ng Boazania o ang planeta kung saan galing ang earth invaders na makakalaban ng Voltes 5.
Ang Voltes V: Legacy ay ipo-produce ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero.
Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng Japanese creator ng Voltes V na Toei Company at ng Philippine licensing agent nito na Telesuccess Productions, Inc.
Samantala, narito ang kumpletong listahan ng mga artistang kabilang sa highly-anticipated Kapuso series:
V