
The wait is over dahil mapapanood na ang inaabangang mega trailer ng isa sa mga malalaking produksyon ng GMA, ang Voltes V: Legacy.
Ipapalabas ito sa Sabado, December 31, sa GMA New Year special na Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon.
Bukod sa star-studded performances ng Kapuso stars, P-Pop stars, at K-pop stars, kaabang-abang din sa countdown special ang pasilip sa mga handog na programa ng Kapuso network sa 2023 at isa na nga riyan ang Voltes V: Legacy.
Sa unang pagkakataon, dito mapapanood ang isa sa mga opisyal na trailer ng live-action adaptation series ng classic '70s Japanese anime na Voltes V na tinaguriang first serious epic sci-fi TV show sa Pilipinas.
Maliban kasi sa costume at set design, talagang binusisi ang CGI (computer-generated imagery) ng Voltes V: Legacy sa tulong ng pagsasanib-pwersa ng GMA Post Video graphics production at Riot Inc. Post-Production.
Abangan 'yan sa Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon sa bisperas ng bagong taon simula 10:30 p.m. sa GMA-7 o sa Kapuso live stream sa YouTube channel ng GMA Network.
Nakatakdang mag-premiere ang Voltes V: Legacy sa second quarter ng 2023 sa GMA Telebabad, ayon sa direktor nitong si Mark Reyes.
Ito ay mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero.
Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng TOEI Company at ng licensing agent nito sa Pilipinas na Telesuccess Productions, Inc.
KILALANIN ANG MGA ARTISTANG MAPAPANOOD SA VOLTES V: LEGACY: