GMA Logo Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega
What's on TV

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, excited nang mapanood ng mga tao ang pinaghirapan nilang 'Voltes V: Legacy'

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 31, 2022 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega


Abangan ang mega trailer ng 'Voltes V: Legacy' sa 'Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon mamaya!

Hindi naging madali para kina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na gawin ang live-action adaptation na Voltes V: Legacy kaya naman hindi na sila makapaghintay na mapanood ng mga tao ang mega trailer mamaya sa Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon.

Sa panayam kina Miguel at Ysabel sa YouTube channel na ATM (Adventure.Taste.Moments), nagbalik-tanaw nila kung paano nila ginagawa ang inaabangang Voltes V: Legacy.

"This whole year, we've been shooting talaga," kuwento ni Ysabel.

Dagdag ni Miguel, "I would say, nasa 80 per cent na kasi sinu-shoot namin 'yung mga scenes na nasa loob kami ni Voltes V. Para sa akin, isa 'yun sa mga exciting na taping days. Meron kaming rig, sa green screen kami, may rig doon, ginagalaw talaga siya habang nakasakay kami."

"Before namin i-shoot 'yung scene na 'yun, pinapanood namin kung anong nangyayari kay Voltes V, at sa kalaban niya. So, nakita na namin kung ano itsura nung effects."

Ayon kay Ysabel, pakiramdam niya ay nanonood siya ng Hollywood film dahil sa CGI effects na dapat abangan.

"Honestly, para akong nanood ng Hollywood film. At tsaka, ang laking tulong nung CGI effects kasi sobrang realistic talaga tingnan," saad niya.

"Hindi ko ma-describe, like kailangan ninyo talaga mapanood."

Bukod kina Miguel at Ysabel, ang kukumpleto sa Voltes V ay sina Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Robert "Big Bert" Armstrong, at Raphael Landicho bilang Little Jon Armstrong.

Gagampanan naman nina Martin Del Rosario, Liezel Lopez, Epy Quizon, at Carlo Gonzalez ang makakalaban ng Voltes V na sina Prince Zardoz, Zandra, Zuhl, at Draco.

Mapapanood ang mega trailer ng Voltes V: Legacy sa Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon ngayong gabi sa GMA, GTV, I Heart Movies, Hallypop, at Heart of Asia!

BUKOD SA MGA NAUNANG NABANGGIT, KILALANIN PA ANG IBANG MGA KARAKTER SA VOLTES V: LEGACY DITO: