GMA Logo Voltes V Legacy
What's on TV

'Voltes V: Legacy', inaabangan din ng Japanese Ambassador sa Pilipinas

By Jimboy Napoles
Published January 8, 2023 6:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Voltes V Legacy


Pati ang Japanese Ambassador sa Pilipinas, excited na ring mapanood ang 'Voltes V: Legacy' matapos mapanood ang mega trailer nito!

Parami na nang parami ang nasasabik na mapanood ang upcoming live action adaptation ng Japanese anime series na Voltes V: Legacy na isa sa mga inaabangang primetime series offering ng GMA ngayong taon.

Ang 5-minute mega trailer ng nasabing series na ngayon ay may 4.3 million views na sa Facebook at almost 2 million views sa YouTube ay napanood na rin ng Japanese Ambassador sa Pilipinas na si Koshikawa Kazuhiko.

Sa kanyang Twitter account , aminado si Koshikawa na fan din siya ng Voltes V at talagang excited na siya na mapanood ang live action adaptation nito ng GMA.

“Brings back childhood memories! Watching the trailer has made me shout 'Let's volt in!' out of excitement,” saad niya sa kanyang tweet.

Dagdag pa niya, “Can't wait to watch this in full when it finally airs this year #VoltesVLegacy.”


Ang Voltes V: Legacy ay pagbibidahan ng Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega bilang sina Steve Armstrong at Jamie Robinson. Kasama nila rito sina Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho na gaganap bilang Mark Gordon, Big Bert, at Little Jon.

Sa mega trailer na ipinalabas kasabay ng GMA New Year Countdown, makikita na kaabang-abang din ang magiging papel ng mga karakter nina Dennis Trillo, Carla Abellana, Martin Del Rosario, Liezel Lopez, Epy Quizon, Carlo Gonzalez, at maraming iba pa.

Panoorin ang trailer sa video sa ibaba:


Ang upcoming live action adaptation series ng Voltes V: Legacy ay nasa ilalim ng direksyon ni Mark Reyes.

TINGNAN ANG PASILIP SA BOAZANIAN SKULL SHIP NG 'VOLTES V: LEGACY' SA GALLERY NA ITO: